Saturday, May 14, 2011

DEAR KUYA ATBP. KWENTONG CANADA



"Dear Kuya, kamusta ka na jan, anong balita?
Malamig ba jan? Dito mainit...
Ngunit pag bumagyo para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito..
Matagal narin, mula ng ikay magpasyang subukan ang swerte..."

Ito ang kanta ng bandang Sugarfree na ginawa para sa mga kapatid, kapamilya at kaibigang nangingibang-bansa.   Kanta na nagpapahayag ng damdamin ng pamilyang naiwan dito sa Pilipinas, mga kaibigang nag-aalala at mga kapamilyang nagmamahal. Marami akong mga kaibigan na napilitan o piniling mangibang-bansa at bukas, madadagdagan na naman ang bilang nila. Bagong kaibigan ko si Hubert, nakilala ko sa Music Ministry ng aming Christian Church (WIN Pateros). Lilipad siya bukas patungong Alberta, Canada sa sponsorship ng Papa niyang immigrant doon. Doon na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral. Mababawasan ng isang miyembro ang Ministry sa pag-alis niya at mami-miss namin ang kakulitan niya.

Si Hubert ay isa lamang sa maraming Pilipino na mas piniling iwan ang bansang kinalakhan para mahanap ang mas magandang kinabukasan sa dako pa roon. Hindi natin maaaring husgahan ang sino man sa kanila sapagkat aminin man natin o hindi ay sadyang hindi kayang ibigay ng ating mahal na bayang Pilipinas ang mga oportunidad at kinabukasan na maibibigay ng mga bansa sa Kanluran.

Dalawang araw mula ngayon ay mararating na niya ang pangalawang pinakamalaking bansa sa mundo. Ang bansa na kilala sa kanilang "diversity" at "multi-culturalism". Ang bansa nina Celine Dion, Avril Lavigne at ang siyempre di natin pwedeng di banggitin sa Justin Bieber.  Kilala ang Canada bilang bansa na kung saan may snow sa loob ng halos buong taon (maliban sa Alberta na considered as the sunniest province in Canada). Ang Canada ang bansang pinipili ng maraming Pilipinong nagbabalak manirahan sa ibang bansa. Doon, may excellent Health Care Services at napakaraming job opportunities. At maituturing man silang isang English nation, maraming mga bagay na masasabing "Only In Canada".

Kilala ang mga Canadian sa pagiging likas na mabait. Natural sa kanila ang mag apologize if somebody steps  on their foot and the other apologizes for making the other apologize for it. At kilala sila sa kanilang unique na vocabulary. Hindi ka maituturing na Canadian kung di mo alam ang ibig sabihin ng chesterfield, poutine, serviette at toque. Ang letter "Z" ay tinatawag na "ZED" as in "X-Y-Zed". Ang biever ay isang napaka-importanteng hayop. Ang Ice Hockey ay napaka-importanteng laro na di pwedeng palampasin.

Alam namin na sa Canada, ang aming kaibigan ay nasa mabuting mga kamay. Ngunit gaya nga ng laging sinasabi ng lahat ng aming mga kaibigan at kasamahan sa pananampalataya, "Wag kang makakalimot lumingon sa iyong pinanggalingan". Maaaring napakaganda ng mga bagay na maibibigay ng mga bansa sa kanluran, ngunit para sa akin, wala paring mas hihigit sa pagmamahal at pag-aaruga ng mga kaibigan, kapitbahay at kapamilyang Pilipino. Iba parin na tumatanda ka na kasama ang mga kaibigang iyong kasamang kinalakihan. Iba parin pag nagigising ka sa umaga sa agahan na pandesal at kape at sa tanghali ay kasalo ang pamilya sa pagkain ng sinigang, adobo o tuyo at itlog na pula na may kamatis. Iba parin talaga sa Pilipinas at iba parin talaga kapiling ang mga Pilipino.

Sa'yo Hubert, Bon Voyage! Maligayang Paglalakbay at naway gabayan ka ng Diyos sa mga kakaharapin ong pagsubok sa dayuhang bansa. Humayo ka kaibigan at wag mong kalimutang humingi lagi ng gabay sa taas! Salamat sa mga ala-ala at  mga masasayang tugtugan!

:)


1 comment: